Eldin
Magician
Proteksyon ng aurora gem, mana ng draconic na mahika at maraming gamit na spell.
Dahil pinoprotektahan ng mga Magician ang sarili nila gamit ang mahiwagang lakas ng mga aurora gem, mas gusto nilang magsuot ng magagaan na magical robe na nakakatulong sa konsentrasyon kaysa sa makapal na armor.
Ayon sa alamat, ang mga ninuno ng mga Eldin, na labis hinangaan ng mga dragon, ay binigyan ng sagradong tungkuling bantayan ang muling pagkabuhay ni Jurtan, at para magawa ito ay natuto raw sila ng ilang Draconic na mahika. Ang kanilang ultra-destruction na mahika na sinamahan ng Draconic na mahika ay ang pinakamalakas na firepower. Kaya ng mga Magician ang lahat ng uri ng mahika, mula sa simpleng mahikang nagdudulot ng pisikal na damage gamit ang mana field hanggang sa malalakas na spell na tumatawag ng ulan ng meteor.
Kahit mababa ang HP at mahina ang Defense nila, hindi ito malaking problema dahil hindi hinahayaan ng mahika ng mga Magician na makalapit man lang ang mga kalaban. Sa simpleng galaw ng kamay, kaya rin nilang paglaruan ang mga kalaban sa iba't ibang paraan, gaya ng pagpapabagal sa kanila, pagpapaguni-guni, o pagkulong sa kanila sa pamamagitan ng pag-summon ng mahiwagang bitag.

