Catcha
Scout
Taktikal na katusuhan, pamana ng mga palihim na mangangaso at adaptive na Skill.
Maaaring mukhang maliit at mahina ang mga Scout, pero mas tuso at mas flexible sila sa laban. Sa halip na palakihin ang kanilang kalamnan para sumugod nang direkta, gumagamit sila ng matatalas na metal na shuriken para paslangin ang kalaban sa mid-range na puwesto.
Dahil dumadaloy sa kanilang ugat ang dugo ng kanilang mga ninuno, ang palihim na pangangaso pa rin ang paraan nila ng pagtapos sa kalaban. Pinaglalaruan nila ang kanilang biktima sa pamamagitan ng pagsira sa kakayahan ng kalaban gamit ang iba't ibang manipulative na teknik. Ang paggamit ng shuriken bilang pangunahing atake, kasama ng mga nasusunog at nakalalasong bitag, ay nagdudulot ng kalituhan at pinsala sa kalaban.
Gumagamit ang isang matalinong Scout ng mga sumusunod na Skill para malampasan ang iba't ibang hadlang: pag-atake sa likod ng kalaban habang nagtatago, liksi para sa mabilis na hataw, mataas na Evasion para iwasan ang paparating na atake, at Accuracy para sa tumpak na damage. Ang mataas na regeneration rate ng Scout ay nagmumula sa kanilang katatagan at pakikipag-isa sa kalikasan.
Kaya niyang tawagin ang simoy ng kalikasan para bumaba sa kanyang mga kasama at dagdagan ang kanilang Move Speed, at gisingin ang lakas ng mga hayop para palakasin ang Skill at Stats ng bawat miyembro.

