Opisyal na key art ng kristal na portal
Bumalik sa Gabay

Pagsisimula

Gabay para sa Baguhan

Narito ang mahahalagang tips at kaalaman na dapat mong basahin para mas ma-enjoy ang Dragona: Fireborne. Tutulungan ka ng mga gabay na ito na masanay agad sa laro. Kahit sanay ka na sa ibang MMORPG, ipinapangako ng Dragona: Fireborne na babaguhin nito ang karanasan mo sa paglalaro!

I-download at I-install

Para simulan ang pakikipagsapalaran mo sa Dragona, ang unang hakbang ay i-download at i-install ang client (https://store.steampowered.com/app/2668250/Dragona_Fireborne/) sa Steam.

Ang Launcher

Bukod sa mga kapaki-pakinabang na impormasyon at pinakabagong balita, may basic settings din sa loob ng launcher.

Puwede mo ring piliin ang wika ng laro sa launcher: English, Portuguese (Brazil), Filipino, Traditional Chinese o Indonesian.

Kapag tapos na ang update sa launcher screen, pindutin ang 'Game Start' button para pumasok sa Dragona.

Pagpasok sa Laro

Pumili ng server at i-click ang 'Select' button para pumasok.

Paggawa ng Character

Pumili at i-customize ang character mo para makapasok sa mundo ng laro.

Sa paggawa ng character, puwede mong i-customize ang itsura at pangalan nito, at pumili ng partial transformation para simulan ang adventure mo.

UI AT BASIC CONTROLS

#ElementoPaglalarawan
1Auto GuidePangkalahatang tips sa Dragona para sa mga baguhan.
2PaunawaNagbibigay ng abiso tungkol sa mga quest, mail, mensahe ng guild, at pagsisimula ng mga battle arena.
3Chat WindowChat Window para makipag-usap sa ibang players.
4Main Quick SlotDito mo mai-preset ang mga auto-action para sa character mo.
5Basic na Impormasyon ng CharacterDito makikita ang maikling impormasyon sa HP, MP, CORE at Level ng character.
6EXP barIpinapakita ang kasalukuyang EXP ng character sa anyong bar.
7Mini-MapMaliit na mapa na nagpapakita ng paligid ng character mo.
8PK Attack on/offKey para i-on/off ang PK state. Kapag naka-on ang PK Multi-Attack, ang mga character sa paligid ay puwede ring tamaan ng area attack.
9Transformation Quick SlotDito mo mailalagay ang mga Dragon Transformation item para mas madaling gamitin.
10Auto-Potion SlotsDito mo mai-preset ang mga auto-potion na gusto mong gamitin.
11Auto-Potion SetupDito mo maitatakda ang porsyento ng paggamit ng auto-potion.
12Menu BarButton na nagbubukas ng popup ng game system menu para sa impormasyon ng character, inventory, skills, quests, at iba pa.
13Cash ShopNagbebenta ang Cash Shop ng cosmetic outfits, mounts, weapon skins at mga serbisyo kapalit ng Cash.
14Sub Quick SlotDagdag na espasyo para sa main quick slot.
15Mga Kasalukuyang QuestListahan ng mga tinanggap at kasalukuyang quest. I-click ang target ng quest para i-on ang auto-traveling.
16Item FusionAng mga hindi mo kailangang item ay puwedeng gawing consumable habang nanghuhuli. Maglagay ng item na hindi mo kailangan at pindutin ang Fusion button para magsimula ang pagsasama; magbabago ang porsyento ng potion ayon sa grade ng item.

Basic Controls

KeyAksyon
WASDPara igalaw ang character gamit ang keyboard: W - Pasulong, A - Pakaliwa, S - Paatras, D - Pakanan
SpaceTalon
EPulutin ang Item
CIpakita/Itago ang Info ng Character
MWorld Map
KSkill Info
IBuong Inventory
OSocial Info
JQuest Info
GAuto Guide
EnterChat Console
TabPumili / Magpalit ng Target
ShiftHatiin ang Items / I-pin ang Tooltip
F9Itago ang Lahat ng Kalapit na Players
Scroll LockItago ang Lahat ng UI (User Interface) Window
Prt ScrScreenshot

Daily at Seasonal na Reward

  • Attendance: isang beses kada araw, pagkatapos maglaro nang ilang sandali, i-click ang Event icon sa itaas ng screen at pindutin ang Present. Darating sa mail ang mga streak at total milestone.
  • Battle pass: magbubukas ang Season 1 sa Lunes, Nobyembre 2, 2026 at tatagal nang 56 araw. Ang free track ay para sa lahat; ang premium track (cosmetics lang) ay 500 Cash o puwedeng bilhin gamit ang Steam Wallet. Bisitahin ang shop.
  • Premium: 600 Cash para sa 30 araw. Bisitahin ang shop.

Alpha Level Rewards

Sa Open Alpha, makakatanggap ang character mo ng libreng reward mail sa level 20, 30 at 40. Tingnan ang Alpha Level Rewards para malaman kung ano ang makukuha sa bawat level.

Bumalik sa Gabay